Get Adobe Flash player

Search


Web Search Site Search

Special News

famy
share and submit your news, photos, story anything related to Famy Laguna.
email us at: famylaguna24@yahoo.com

Tell A Friend

SocialTwist Tell-a-Friend

History

history

HISTORICAL BACKGROUND

The town of famy is located at the Norheastern part of the province of Laguna. In the East, it is separated from the Municipality of Real, Quezon by mountain ranges in the North, it is separated from the municipality of Sta. Maria, Laguna by mountain ranges which is a continuation of the Sierra Marde mountain. In the West and South, it is separated from Mabitac and Siniloan respectively by links of hills planted with coconuts. The History if town as a barrio of Siniloan dated back to the year 1612 when its natural resources were first exploited by the busy hands of home seekers from Daraitan, Tanay, Rizal. These home seekers named the place CALUMPANG, after a big shady Calumpang tree that in the heart of the place.

Year after years, the inhabitants of the placed increased. People from nearby town came to a pale to gamble their luck with the vast area of uncultivated lands. After years of constant struggle for the development of the place, they succeeded in making the lands suitable for food crops. They especially made use of the lowlands where more of the inhabitants settled. Home industries gained interest among women. Spiny bamboos where planted as raw materials for the basket industries that remained the same industry up to the present.
 

In the year 1835, when the people realized the constant changes of the place, from the bedlam of wilderness to a barrio worthy of becoming a town, they for the first time. Sought from the town of Siniloan to become a municipality with its own government. Their plan was rejected because of the meager population of the barrio. The people did not loose their hope, again the prominent men of the barrio tried to secure the separation. Promoted by the feeling of patriotism, men from the barrio voluntarily presented themselves as revolutionist claiming that they will fight on the side of General EMILIO F. AGUINALDO, if the General will help ,making the barrio a town. So, after the revolution, the President of the republic of the Philippines, Calumpang was separated from the Municipality of Siniloan. The barrio was renamed FAMY in the place of the ancestral name Calumpang. This was on memory of General Emilio's mother, MRS. TRINIDAD AGUINALDO y FAMY.
 

DATE OF HISTORICAL RECOGNITION

When the Americans took possession of the island, the form of government automatically changed. With the Executive Order, small town became a barrios of nearby towns, Famy was affected by this Order, and again a barrio of Siniloan. In spite of this change, the people continued the development of the barrio. They tried their best to increase the area of uncultivated lands. The inhabitants of this Municipality were not satisfied of being a barrio again of Siniloan, so they filed a request to the Governor General that FAMY be a town again citing among other things that no salary for services rendered and that municipal School buildings shall be constructed, all on help of the town's people. By virtue of this request, the Governor General issued Executive Order No.60Series of 1910, separating FAMY from the Municipality of Siniloan, Laguna. This order took effect on August 15, 1910.

Alamat ng Katotohanan

Tunay na ang bawat bagay ay may kanya kanyang pinagmulan. Mga kuwentong nagpapatunay sa mga bagay at mga pangyayaring pinagdaanan. Isang kasaysayan na magsisilbong pundasyon ng kasalukuyan,

Isang maliit ngunit nakamamanghang bayan na binubuo 20 barangay, kung saan bawat isa ay patuloy na nagtutulungan at nagkakaisa sa pagpapanatali ng kaayusan at kagandahan ng paligid. Isang bayan na tunay na pinagpala dahil sa angking likas na yaman

Kaya’t ating silipin at muling alamin ang  bawa’t kuwento sa likod ng maaayos at mapapayapang barangay ng Famy.

 

Barangay Asana

Masigasig na Asana

            Bilang unang barangay sa listahan, ang Barangay Asana ay may mayamang kasaysayan.

            Noong unang panahon, ang mga estudyante ng Mababang Paaralan ng Famy ay laging dumadaan sa puno ng Asana. Ang punong ito ay mayabong kung kaya’t sila ay umuupo sa lilim nito at nag aaral ng kanilang leksyon. Dito, nakakapagpahinga sila sa kanilang maghapong gawain.

            Binibigyang halaga nila ang puno ng Asana dahil ito ay nagbibigay sa kanila ng kaakit-akit na kapaligiran at sariwang hangin.

            Ang puno ng  Asana ay matayog na nakatayo sa sentro ng barangay na saksi sa pag-usbong ng karunungan ng mga mamamayan.

            Dahil sa punong ito, pinagbuti ng bawat estudyante na mag aral nang mabuti kung kaya’t sila ay nakapagtapos. Pagiging masikap at produktibo ang lagi nilang isinasaisip upang makatulong sa Bayan ng Famy.

            Nagmula sa puno ng Asana ang pangalan ng barangay kung saan nasaksihan ng punong ito ang kasaysayan ng Famy.

            Ngayon, ang Barangay ng Asana ay patuloy na inaabot ang pag unlad upang makapag ambag sa bayan ng Famy.

 

Barangay Bacong Sigsigan

Kaakit-akit na Bacong Sigsigan

            Sa itaas na bahagi ng Famy, ang tahimik at mapanghalinang kapaligiran ng Bacong Sigsigan ay mayroong mahalagang kasaysayan para sa mga taga-Famy. Nagsimula ito noong may mga Dumagat o Ita na ang tanging ikinabubuhay ay pangingisda.

            Isang araw, may isang Ita na nakatagpo ng isang pultong ng mga bulaklak. Ito ay naging kaakit akit sa kanyang paningin kaya’t sa tuwing may gagawa ng mga dampa ay malapit sa bakungan. Tinawag nilang Bacong ang bahagi ng kabundukang ito.

            Dumami ang mga tao na naninirahan dito. Umabot ito hanggang sa itaas na bahagi ng kabundukan.

            May isang mangangahoy na naninirahan sa itaas ng bundok. Sa pag aalala na baka siya ay maabutan ng dilim sa daan at maligaw sa lugar, gumawa siya ng “sigsig” sa kanyang daraanan at nagkaroon ng tila daan o landas na ilaw na tumatanglaw sa kadiliman ng gabi.

            Sapagkat ito ay nasa mataas na lugar, ang mga sigsig ay natatanaw ng mga naninirahan sa Bacong at tuwang tuwa sa mga ilaw ng tumatanglaw sa kadiliman ng gabi. Dahil dito, naisip nila ang pangalang Bacong Sigsigan.

            Bisitahin ang natatagong ganda ng Barangay Bacong Sigsigan at makikita mo ang tunay na ganda ng kalikasan na ipinagmamalaki ng mga Faminenos sa ibang bayan

Barangay Bagong Pag asa

Habang may buhay... Bagong Pag asa

            Noon, ang barangay na ito ay tinatawag na “patay na kalsada” dahil ito ay mabato at maalikabok. Nagsisilbi din itong tapunan ng mga pinangayasang kawayan.

            Gayundin, ang mga bahay ay kakaunti. Ito ay bahagi lamang ng Barangay Calumpang. Dahil sa unti-unting paglaki ng populasyon, ito ay humiwalay at tinawag na Barangay Bagong Pag asa.

            Ngayon, ang Barangay Bagong Pag asa ay masasabing maunlad na dahil sa karamihan ng kabahayan dito, may elektrisidad kung saan nagagamit nila sa kanilang negosyo. Mayroon ding koneksyon ng telepono na nagagamit nila bilang pagpapalawig ng kanilang komunikasyon sa iba pang lugar at koneksyon sa internet na nagagamit sa pag aaral ng mga estudyante.

            Lahat ng mga mamamayan dito ay mayroong permanenteng trabaho habang ang mga wala naman ay nagmamay-ari ng palayan.

            Sa barangay na ito, matatagpuan ang Departamento ng Agrikultura, ABC Hall at Day Care Center na nagsisilbi sa mga kabarangay.

            Pagiging positibo ang laging pananaw ng mga taga-Barangay Bagong Pag asa upang makamit ang ganap na kaunlaran.

 

Barangay Balitoc

Ginintuang Nakaraan… Balitoc

            Balitoc, isang salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay ginto. Ito ang ipinangalan sa isang barangay ng Famy.

            Nagsimula ang kasaysayan nang may isang grupo ng tulisan na nagmula sa bulubundukin ng Rizal. Nagawi sila sa lugar na ito upang makapaghanap ng mapagtataguan ng kanilang dalang ginto upang maitago sa mga may kapangyarihan. Subalit, ang mga tulisang ito ay napatay ng mga may kapangyarihan.

            Hanggang sa may pangkat ng mga insurektus ang nagawi sa lugar na ito at natagpuan ang mga binaong gusi ng ginto. Sa sobrang kaligayahan sila ay nagsigawan ng “balitoc,balitoc,balitoc”. Sila pala ay mga Ilokano ang ibig sabihin ng balitoc ay ginto.

            Simula noon, ang bahaging ito ng bundok ay tinawag na Balitoc bilang pag alala sa malaking kayamanan na ibinahagi nito sa mga tao sa Calumpang.

            Mula sa pagiging baryo nito noon, tinawag itong Barangay Balitoc noong Disyembre 1961.

 

Barangay Banaba

Tayo na sa Banaba

            Mula sa mayabong na puno ng Banaba, nagsimula ang kamangha-manghang kasaysayan ng isang barangay sa Famy. Kung saan ang bawat bahagi ng punong ito ang nagbibigay lunas sa sakit (tulad ng diabetes) sa mga mamamayan dito. Napapaligid lamang ito sa bakuran ng lugar na ito.            

            Taong 1953, ang bahaging ito ng Famy ay kasama sa poblasyon at tinawag na F.Abary Street. Lumipas ang mga araw, si G. Roman Lorenzo, dating superindente ng paaralan ng Famy ay nagpakilala ng isang programa na tinatawag na “Laguna Approach”. Layunin ng programang ito na ibahagi ang iba pang lupa sa kapatagan ng Famy na hahati-hatiin ito sa purok. 

Sa tulong ng mga pinuno ng bayan, punungguro at pagsang-ayon ng mga opisyales, tinawag itong Purok Banaba.

At sa paglipas ng panahon, nang makamit ng Famy ang kasarinlan ay ginawang barangay ang Purok Banaba na may tatlong kanto, ang P. Abary St, J. Cailles St, at ang J. Calim St. May maliit itong kanto na kung tawagin ay L. Peenaseesas St.

Paggalang sa kapwa tao at pagiging responsible ang laging isinasaisip ng mga tagarito at ang pakikiisa sa bawat programa upang umunlad ang Bayan ng Famy.

 

Barangay Batuhan

 

Sa Likod ng Nakaraan, BATUHAN

 

Matatagpuan sa Hilagang Kanluran ng Famy ang Batuhan na may saklaw na lawak na 154.3493 ektaryang lupang palayan na may dalawampung bahagdan na natatamnan ng mga punong niyog at sa ilalim nito nakatayo ang mga kabahayan.

             Nahahati sa tatlong sitio ang barangay, ito ay ang Batuhan I, Batuhan II na tinatawag ding Valenzuela at Sitio Bagong Silang, sa lugar ding ito makikita ang pampubblikong sementeryo ng bayan na matatagpuan sa pagitan ng Sitio Bagong Silang at Valenzuela.

            Batuhan ang naging pangalan ng barangay na ito dahilan sa kinakitaan ang lugar ng isang burol na may naglalakihang bato. Ngunit sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng bansa, ang burol ay tinibag sa pamamagitan ng isang dinamita upang gawing kalsada o highway. Ito ay tinawag na “Manila East Road”.

            Sa kasalukuyan, maliit na bahagi na lamang ng burol ang ating makikita sa lugar dahilan sa nasabing highway.

 

Barangay Bulihan

Mula sa Ibaba, BULIHAN

 

            Mula sa luntian at malawak na kapatagan at nagtataasang kabundukan, makikita ang Barangay ng Bulihan na matatagpuan sa Poblasyon o dakong looban ng bayan.

            Nabuo ang Bulihan sa pamamagitan ng apat na purok ng Brgy. Damayan, Brgy.Batuhan, Salang Bato at Brgy. Balitoc na pumapaligid dito.

            BULI na nagmula sa pangalan ng isang puno ang sumisimbolo sa barangay ng Bulihan. Sa lilim ng puno ng Buli nakahanap ng lugar pahingahan ang mga tao noon mula sa kanilang matiyagang pagtratrabaho sa init ng araw.

            Sa kasalukuyan ang populasyon ng barangay ay 1,908. Pagsasaka naman ang pangunahing ikinabubuhay at pinagkakakitaan ng mga naninirahan dito.

 

Barangay Caballero

Pamumulaklak ng CABALLERO

 

 Sa kabila na masukal ang lugar sa dami ng punong kahoy,  bahaging usiwan at talahiban kung pagmasdan, ipinangalan sa barangay na ito ang Caballero na isa sa mga pinakamagandang punong namumulaklak sa buong mundo.

            Sinasabing may mag-asawang naninirahan noon sa lilim ng puno ng Caballero na nagngangalang Mang Pedro at Aling Huwana. Isang araw, may isang pangkat ng mga kabinataan na taga-Antipolo, Rizal ang nagtungo sa lugar na ito upang kumuha ng ibat-ibang uri ng bulaklak. Laking hanga nila sa bulaklak ng isang puno na magkakahanay sa isang sanga na may bulaklak na kulay dilaw at ang ibang puno naman nito ay may kulay na pula at kahel. Ito ang pinakamaganda sa lahat ng bulaklak na kanilang nakita kaya’t nakiusap sila sa mag-asawa na bigyan sila nito ng  bulaklak ng Caballero.

            Sa ngayon,  may kabuuang 726 na populasyon ang lugar at may lawak na 1.0358 ektaryang lupa.

 

Barangay Calumpang

Sa Lilok ng CALUMPANG

 

            Sa may dakong magubat at kung saan pinamumugaran ng maiilap na hayop, nagsimula ang kuwento ng walang katapusang pinag-ugatan ng kasaysayan ng ating bayan.

            Noon, sinasabing may isang pangkat ng magkakahoy na taga-Mabitac, Laguna ang nagtungo sa lugar na ito upang manguha ng isang kahoy na angkop upang gawing imahen ng isang santo. Nang sila ay naglalakad, nakakita sila ng isang puno na angkop para sa pag-uukit. Pinutol nila ito sa parte na kayang hilahin ng kalabaw.

            Habang sila ay pauwi na, napadaan sila sa isang malagong puno ng Calumpang. Dala ng kainitan ng araw, nahikayat silang magpahinga sa lilim ng punong ito at pagkatapos ng ilang sandaling pamamahinga, siningkawan nilang muli ang kalabaw at nagsimulang maglakad pauwi.

            Malayo na ang unang pangkat na may hila ng unang putol ng kahoy nang mapansin ng pangalawang grupo na hindi na kayang hilahin pa ng kalabaw ang putol ng kahoy na hila-hila nito. Napilitan tuloy sila na kumuha pa ng isang kalabaw upang katulungin sa paghila ngunit nadagdagan pa ng tatlo, apat, lima at hanggang sa naging sampu ang kalabaw na humihila ay hindi pa rin natitinag ang kahoy sa kinalalagyan nito.

            Nagdulot ang pangyayaring ito ng takot at agam-agam sa mga magkakahoy kaya’t nagpatuloy na lamang sila sa pag-uwi na taglay ang unang putol at iniwan na lamang ang pangalawa sa lilim ng puno ng Calumpang.

            Mabilis at parang apoy na kumalat ang pangyayaring naganap sa mga magkakahoy na nagbunsod sa ilang magbubukid na taga-Daraitan, Tanay, Rizal upang lumikas sa kanilang tirahan at manirahan sa lugar na ito. Hindi nagtagal at nagtayo sila ng munting bahay dalanginan sa lilim ng malagong puno ng Calumpang. Ang putol ng kahoy na naiwan ng mga magkakahoy ay ipinalilok nila ng imahen ni San Sebastian na siyang kinilalang patron ng bayan.

            Taong 1700, ang pook na ito ay nakilala sa tawag na Calumpang. Dito rin matatagpuan ang simbahan at pampublikong pamilihan ng bayan.

 

Barangay Cuevang Bato

Makasaysayang Cuevang Bato

 

            Sa dakong Hilagang Kanluran ng Bayan ng Famy, matatagpuan ang makasaysayang lugar ng Cuevang Bato. May makikipot na daan paahon dito at ang bahaging ito ng kabundukan ay may saklaw na 190.91 ektaryang lupang pansakahan.

            Nagsimula ang kasaysayan ng barangay sa mga panahong ang mga tao rito ay halos pangangaso pa lamang ang ikinabubuhay. Sa dakong Hilaga naman ay may mga gulod ng bato na kasinglalaki ng mga bahay na pinamumugaran ng maraming hayop tulad ng usa, baboy ramo at iba pang mababangis na hayop-bundok.

            Sa bahagi ring ito ng bundok, matatagpuan ang kuwebang bato na nagsisilbing pahingahan ng mga mangangaso noon upang sila ay maging ligtas sa anumang uri ng mababangis na hayop at upang maiwasan din nila ang labis na lamig ng gabi.

            Maraming tao na rin ang nakinabang sa kuwebang ito nang naging kanlungan ito ng mga insurektos noong panahon ng Kastila at naging taguan ng mga tulisan.

            Naging bukambibig na ang kuwebang ito sa balana kaya’t nang ang Famy ay naging ganap na bayan, ang bahaging ito ng kabundukan ay ginawa nilang barangay sa pangalan nitong Cuevang Bato.

            Sa kasalukuyan, nagagamit pa rin ng tao ang kuwebang bato bilang lugar pahingahan.

 

Barangay Damayan

Kapatiran sa Damayan

            Sa kagustuhan na magkaroon ng maganda at maaayos na lugar, si G. Daniel J. Acorda, dating punungguro ng Mababang Paaralan ng Famy ay nagplano ng iba’t ibang aktibidades katulad ng pagtatanim upang makatulong sa mga mamamayan na mapaganda at maging malinis ang kapaligiran.

Kaugnay nito, nais din ni G. Acorda na mapataas ang antas ng katarungan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng “Adult Education Program” sa paaralan ng Famy kung saan nagkaroon sila ng karagdagang kaalaman sa mga batas.

Tinawag itong Purok Damayan sapagkat sa dakong ito ng bayan, ang mga tao  ay mahilig sa mga gawaing pambayan at handang tumulong sa kapwa.

Maliban sa pagiging matulungin,dito sa Purok Damayan ay mayroong matandang hilot na tumutulong sa mga magiging ina na makapagsilang ng maayos at walang pag aalala.

Hanggang sa napagkaisahan ng mga pinuno na gawin itong Purok Damayan nang simulang hati-hatiin ang mga lugar sa purok  noong 1953.

Ngunit, makalipas ang ilang taon, ang purok Damayan ay naging isang barangay ng Famy noong Disyembre 1961 sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 3590.

 

Barangay Kapatalan

Munting Paraiso, KAPATALAN

 

            Pinagpala ang Kapatalan sa luntian nitong mga parang at bulubundukin, ang simoy ng malinis na hangin at matabang lupa nito ang nagbunsod upang tawaging nursery ang lugar at maging punlaan ng iba’t-ibang halaman ng ating pamahalaan.

            Maraming taga-Nagcarlan ang sadyang mahilig sa pakikipagsapalaran at isa na rito si G. Hermogenes Bueno Francia. Naakit siya sa ganda ng lugar na ito kaya ginala niya ang buong paligid nito at niyaya ang kanyang mga anak na dito na sila manirahan. Dahilan sa malawak naman ang lugar at hindi nila ito kayang bukiring mag-isa, nag-anyaya sila ng iba pang kababayan nila upang katulungin sa pagbubukid. Kinalaunan nabalitaan din ito ng mga taga-San Pablo at iba pang kanognog na lugar upang dito na manirahan.

            Nang mabalitaan ng mga namamahala sa gobyerno sa pangunguna ni G. Mata na ang nursery ay inakupa ng mga tao, napilitan silang pumunta sa lugar upang paalisin ang mga taong naninirahan dito. Nang dumating ang pangkat ni G.Mata upang sukatin ang lugar, hindi pumayag ang mga tao at sa halip ay nagsipagdala pa ng itak ang magkapatid na Valentina at Mercedez Francia gayon din ang mga kalalakihan at sinugod ang mga magsusukat nito.

            Napilitan tuloy na umalis ang grupo ni G. Mata at matapos ang pangyayari napagkasunduan ng mga tao rito na palitan ang pangalan ng nursery upang hindi na muli pa itong bawiin mula sa kanila. Kapatagan ang naisip nilang pangalang sapagkat patag naman ang lugar kahit ito ay bahagi ng bundok, subalit hindi mabigkas ng matatanda ang pangalan ng lugar kaya’t tinawag silang mga patal at hindi nagtagal naging Kapatalan ang Kapatagan.

            Hindi pa sa kanilang pag-aari ang lugar kaya’t nakiusap sila kay G. Ramon Magsaysay Sr. na kalihim pa noon na maging kanila ang lugar at nangako naman ito na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang matugunan ang kanilang kahilingan. Sa mga sumunod na taon nang mahalal ito bilang pangulo ng bansa, napagpasyahan ng mga tao rito na pumunta sa tanggapan ng pangulo at hindi naman sila nabigo nang ibaba ang pasya na gawing homestead ang Kapatalan.

            Kalaunan, nagpasya na silang magkaroon ng mamumuno sa lugar.  Ngunit dahil sa ang Famy at Siniloan ay malapit sa Kapatalan, nag-agawan ang dalawang bayan kung kanino mapupunta ang lugar. Upang hindi sila magkagulo, gumawa sila ng kasunduan. Nakapaloob sa kasunduan ang hatian ng nasasakupan ng mga tao rito na lahat ng nasa bahaging kanan papasok ng Kapatalan ay sa Siniloan at lahat naman ng nasa kaliwa ay bahagi ng Famy. Ang kasunduang ito ay hindi nagkaroon ng katuparan sapagkat kung saan nais ng tao magpatala ay doon sila nagpaparehistro bilang mamamayan.

 

Barangay Kataypuanan

Tagpuan sa Kataypuanan

 

            Kilala ang lugar ng Kataypuanan bilang lugar ng tagpuan kung saan naghihiwalay ang mga mangangaso at nagkakaroon sila ng pag-uunawaan na sa lugar na iyon muli silang magtatagpo.

            Sapagkat kapatagan ang lugar na pinagkakaugnayan ng sapa at ilog, maraming dumagat at isang mangangasong taga-bayan ang tumitigil at nagpapahinga dito, gayon din ang mga bumababa mula sa kabundukan at sa mga kabayanan.

            Matatagpuan ang Kataypuanan sa dakong Silangan ng bayan, ilaya ng Ilog Mayor na kung tawagin ay Ilog Inawasan na umuugnay mismo sa sapang Kataypuanan.

            Tinawag nila ang maliit na sapa bilang Kataypuanan mula sa mga salitang “katagpuan” at “pinagtagpuan”. Nang lumaon ay pinagtibay bilang isang barangay ang lugar na ito sa bisa ng Batas Republika Bilang 3590,kung saan ipinangalan nila sa buong lugar ang pangalan ng sapa.

 

Barangay Liyang

Masaganang Liyang

             Sa  bulubunduking bahagi ng Famy, ay mayroong sapang Maapta (ngayon ay Mayatba). Malapit sa sapang ito ang sapang Arroyo. Marami at mayayabong na pandan ang nakatanim malapit sa sapa. Kumukuha ang mga tao ng pandan upang gawing bag, sumbrero, takba at iba pang lagayan.

            Isang araw, mayroong mga namimiling dayuhang Intsik. Bumili sila ng produktong yari sa pandan. Hanggang sa may nakasalubong silang ibang mamimili at tinatanung kung saan nabili ang mga lagayan. Sinabi ng isang  Intsik “Liyang lang” na ang ibig sabihin  ay diyan o riyan lang. Kung saan tinuturo ang dakong silangan ng sapang Maapta. Kung kaya't nakilala ang lugar na iyon bilang bilihan ng mga produkto na ginagamit nila sa pakikipagkalakalan.

            Karamihan ng mga tao dito ay magsasaka ng niyog, dalanghita at lansones. Ito ay kinakalakal nila sa kanilang karatig bayan.

                        Tahimik at masunurin ang tao dito lalo na pagdating sa mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan.

 

Barangay Maate

Sa Uhaw na Sapa, MAATE

 

Anim na kilometro mula sa kabayanan ng Famy ang layo ng Maate na may kabuuang lawak na 88.97 ektarya na puro bulubundukin at binubuo ng mga bahagi ng Sitio Paritulot, Sitio Malinta at Sitio Sapang Paliway.

            Noon ang Maate ay kinagigiliwan dahil sa ito ay parang isang munting paraiso. May malinis at sariwang simoy ng hangin, may malinaw na tubig na dumadaloy buhat sa mga sapa at may balisbis na nagbubuhat sa isang napakagandang bukal sa kabundukan.  Malaki rin ang mga punong kahoy na siyang nagsisilbing payong sa mga bundok upang  gawing kanlungan at tirahan ng ibon at iba’t-ibang hayop sa kagubatan.

            Subalit dumating ang panahon na naglaho ang kagandahan ng paraisong ito.  Maraming tao o katutubo ang nagnais na magkaroon ng mga lupang kanilang mapagtataniman. Dahil dito,pinutol nila ang mga naglalakihang puno at sinunog ang mga ito upang malinis ang kagubatan na siyang naging sanhi ng pagliit o pagkati ng mga balisbis ng tubig buhat sa mga bundok hanggang sa ito ay tuluyan nang maiga o kumati.

            “NA-KA-TI, NA-KA-TI,”wika ng mga taong naglalaba sa naturang sapa. Magmula noon, tinawag nang Maate ang lugar na ngayon ay may kabuuang populasyon na 287, 152 lalake at 135 babae.

 

Barangay Magdalo

Bayanihan sa Magdalo

            Sa gitnang bahagi ng Bayan ng Famy, matatagpuan ang sentro ng pamamahala at kultura. Ito ay may lawak na 1.16 ektaryang kabahayan. Magdalo ang tinawag sa purok na ito dahil sumisimbolo sa kaugalian ng pagdalo sa mga okasyon at pagtulong sa kapwa.

            Ang Barangay Magdalo ay kilala dahil sa matamis na  bukal kung tawagin nila ay poso. Ang bukal na ito ay naitayo noong panahon ng mga kastila  na pinagkukunan ng inumin na maituturing nilang isang biyaya mula sa Diyos. Malaki ang naitutulong nito sa  mga mamamayan ng Famy at maging sa mga kalapit bayan nito.

            Sa barangay ring ito, nakatayo ang simbahan ng La Liga Felipina Iglesia de Independiente (Aglipay) kung saan ang mga relihiyosong  Faminenos ay nagdarasal nang mataimtim at nagpapahayag ng matinding pananalig sa Panginoon.

            Gayundin, matatagpuan dito ang Bahay Pamahalaan ng Famy at ang Liwasang Valsadera na pinagdarausan ng mga pagdiriwang at gawaing pampalakasan.

 

Barangay Mayatba

Kagandahan ng MAYATBA

 

            Mga naglalakihang punong kahoy at iba’t ibang halamang gulay ang mga produktong pinanggagalingan ng mga ikinabubuhay ng mga tao sa lugar na ito.

            Mula sa pangalang Maapta ng mga katutubo ang sinaunang tawag sa barangay na ang ibig sabihin ay maliliit na hipon.  Mula noon maraming pagbabago ang naganap dahil na rin sa pagdating ng iba’t ibang tao o dayuhan  iba’t-ibang tao o dayuhan na nagmula sa iba’t ibang probinsya. Sa paglaon ng panahon, ang Maapta ay naging Mayatba.

            Matatagpuan ang barangay sa hilagang bahagi ng Famy na may kabuuang 196.3 ektaryang lupa na binubuo ng tatlong sitio. Ito ay ang Sitio Sapa, Sitio Gitna at Sitio Kinamatyan na may layong limang kilometro mula sa kabayanan.

            Sa ngayon ang nag-iisang kalsada na ginagamit ng halos mga karatig na barangay ng Mayatba ay lubhang napakahalaga dahil dito lumalabas ang lahat ng mga produkto ng Bacong Sigsigan, Kataypuanan, Liyang at Maate.

Barangay Minayutan

Pukyutan sa Minayutan

 

Pinakamalayo sa lahat ng barangay ng Famy ang Minayutan. Kapag naahon ninuman ang taas ng lugar na ito mararamdaman ang lamig ng sariwang hangin matapos ang ilang minutong paglalakbay.

            Nasa pagitan ng mga lalawigan ng Quezon at Laguna ang Minayutan na nahahati sa apat na sitio. Una na dito ang Sitio Malanggam na nagmula ang pangalan sa dami ng langgam na namumugad rito. Pangalawa ay ang Sitio Pana na hinango sa pangalan ng isang magandang sapa na matatagpuan dito.  Maging ang nalalabing Sitio ng Singil at Lana ay ipinangalan din sa isang sapa.

            Ayon naman sa mga taong naunang nanirahan doon, ipinamahagi ng dating Pangulong Ramon Magsaysay ang lugar na ito bilang homestead noong 1952, kaya maraming tao na galing pa sa iba’t-ibang bayan ang nagpuntahan dito para manirahan.

            Samantala, sa unang pagdating nila sa lugar, hindi sila makapaghawan ng mga damo dahil sa dami ng pukyutan. Sa halip na pagkakaingin ang unahin nila, pangunguha na lamang ng pulot pukyutan ang pinagkakitaan nila at naging mabili ito sa mga kabahayan.

            Sa simula pa lamang ay hindi na nila alam kung ano ang tawag sa lugar na iyon. Ngunit dahil sa kasikatan ng pukyutan doon , tinawag nila ang lugar na Mina ng Pukyutan at sa kalaunan ito ay naging Minayutan.

Barangay Salang Bato

 Paglalakbay sa Salang Bato

            Sa dakong silangan ng Famy, matatagpuan ang nakatagong paraiso, ang Barangay Salang Bato na may lawak na 380.50 ektarya na binubuo ng tatlong sitio- Sitio Sahur Ulan, Sitio Palasyo at Sitio Maliko.

            Ang barangay na ito ay may malinis na ilog at sapa na nagsisilbing palatandaan ng kagandahan ng ating bayan.

            Bawat sitio ay may nakatagong kasaysayan.

            Mula sa salitang “sahod ulan” ang pangalan ng Sitio Sahur Ulan kung saan ang palayan noon ay nadidiligan lamang sa pamamagitan ng ulan. Tuwing panahon ng tag-ulan, ang mga magsasaka ay masaya dahil sa bawat patak ng ulan ay magbubunga ng masaganang ani. Ang ulan para sa kanila ay isang biyaya ng Diyos.

            Ang maharlikang pangalan ng Sitio Palasyo ay nagmula sa salitang “palasyo”. Ayon sa kasaysayan, noong unang panahon ay may palasyong nakatayo sa lugar na ito.

            Dahilan sa liku-likong daan, Sitio Maliko ang tinawag sa huli.

            Bagamat malayo ang barangay na ito, tiyak naming sulit ang pagpunta sa magandang tanawin na makikita dito. Maaliwalas na kapaligiran at malinis na ilog ganun din ang mga bundok na matatanaw na nakakahalina sa mata ng tao.

            Niyog, palay, gulay at mais ang mga pangunahing produkto sa barangay na ito na nakakatulong sa pagyabong ng hanapbuhay ng mga taga-Famy.

 

Barangay Tunhac

Progresibong Tunhac

            Hinango sa salitang “tungo at tahak” ang pangalang Tunhac dahil ito ay mahirap puntahan noon . Sa tuwing pupuntahan ito ng mga tao, tatahakin nila ang napakalawak na bukirin. Ito ay may sukat na 58.92 ektarya kung kaya’t ang Barangay Tunhac ay hinati sa tatlo-Tunhac I, Tunhac II at Tunhac III.

            Ang maunlad na Tunhac I ay nasa kahabaan ng highway. Maraming nakahanay na establisimento dito tulad ng Raymond Bus Terminal at Restaurant, Flying V Gas Station, Reju Restaurant and Groceries, at Petron Gas Station kung saan ito ang susi ng bawat Faminenos upang magkaroon ng trabaho. Ang nag-iisang  pribadong paaralan, ang Jesus Friends Integrated School kung saan humuhubog sa murang isipan ng mga bata ay nandito rin.

            Mapayapa at sariwang hangin naman ang masisilayan sa Tunhac II dahil sa matahimik nitong kapaligiran. Ang lugar na ito ay malapit sa Mataas na Paaralan ng Famy at Famy Health Center.

            Mayroong malinis na ilog na kung tawagin ay Ilog Mayor na nagsisilbing lugar labahan ng mga kababaihan at tahimik na lugar kung saan masarap magpahinga at magkuwentuhan.

            Mabaho ngunit malinamnam ang pangunahing deskripsyon ng abnoy na gawa sa itlog at harina na ipinagmamalaki ng Tunhac III.Ang sentro ng pagawaan ng abnoy na siyang nagbibigay trabaho sa mga taga-Famy na tumutulong sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

            Mahabang lakarin ang tatahakin patungong dam na nagsisilbing patubig sa bukirin kung saan natutulungan nito ang mga magsasaka na maka ani ng masagana.

            Noon, ang Barangay Tunhac ay kilala lamang sa malawak nitong bukirin ngunit ngayon ay kilala na  bilang  nagsisimulang komersyal na lugar na papaunlad pa sa mga darating na panahon.

   

 

Auto Translator

English Filipino Japanese Portuguese Spanish

Philippines News

Visitors Flag